Showing posts with label Blessie Jizmundo. Show all posts
Showing posts with label Blessie Jizmundo. Show all posts

Tuesday, July 03, 2018

JIZMUNDO PORMAL NANG UMUPO BILANG EX-OFFICIO MEMBER NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

Pormal nang umupo sa pwesto si Blessie Jizmundo ngayong Lunes bilang ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan.

Si Jizmundo ay nahalal bilang Sangguniang Kabataan Panlalawigan Federation president. Siya ang kakatawan sa mga kabataan at mga youth leader sa buong probinsiya.

Sa kanyang assumption speech sa gitna ng regular session ng Sanggunian, pinahayag niya na malaki ang maiaambag ng mga kabataan sa pag-unlad ng bansa.

Ipinaubaya na sa kanya ang chairmanship sa Sport and Youth Development na dating pinangungunahan ni SP member Jose Miguel Miraflores.

Si Miraflores ay miyembro na nang nasabing komitiba matapos ipaubaya ni SP Teddy Tupas ang posisyon sa kanya.

Nagbigay-daan rin si SP Ramon Gelito kay Jizmundo para maging miyembro ng Women and Family Welfare na pinamumunuan ni SP Lilian Tirol.

Ang 21-anyos na bagong miyembro ng Sanggunian ay ang SK chairperson ng Brgy. Dumaguit, New Washington at SK Federation president ng nasabing bayan.

Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Arts major in Broadcasting. Ito ang unang sabak niya sa public office matapos siyang magtapos sa kolehiyo nong nakaraang taon. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Friday, June 08, 2018

JIZMUNDO NAHALAL BILANG SANGGUNIANG KABATAAN PANLALAWIGAN FEDERATION PRESIDENT

Si Blessie D. Jizmundo ng Dumaguit New Washington nahalal bilang bagong Sangguniang Kabataan Panlalawigan Federation president.

Si Jizmundo ang uupo bilang kinatawan ng SK sa Sangguniang Panlalawigan ng Aklan.

Sinabi ng 21-year old youth leader na pagtutuunan niya ng pansin ang edukasyon at employment ng mga kabataan sa kanyang administrasyon.

Bagaman baguhan siya sa leadership position sa gobyerno, pinasiguro niya na palalakasin niya ang mga kabataan sa Aklan katuwang ang kanyang mga kasama sa pederasyon.

Ang pagtakbo umano niya sa leadership position sa kanilang barangay hanggang sa probinsiya ay personal umano niyang kagustuhan. Nagpapasalamat siya sa kanyang mga magulang at sa iba pang mga youth leaders sa kanilang suporta sa kanya.

Anya malaki ang tiwala ng mga president ng SK sa mga munisipalidad kung kaya’t siya ang pinili nila para sa posisyon. Halos kilala niya rin umano ang mga ito.

Pinabulaanan ni Jizmundo ang kumakalat sa social media na may naghousing umano sa kanila bago ang eleksiyon. Nanindigan siya na ang resulta ng eleksiyon ay desisyon umano ng grupo at walang bahid ng pulitika.

Siya ay graduate ng Bachelor of Arts major in Broadcasting at planong mag-aral ng abogasiya./ EFM Kalibo