Friday, January 27, 2017

PAGGUHO NG LUPA SA BRGY. BAKHAW NORTE, KALIBO, HINDI DAHIL SA DREDGING – DPWH AKLAN

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Pinabulaanan ni Department of Public Works and Highway (DPWH) Aklan district engineer Noel Fuentebella na hindi dredging ang dahilan ng pagguho ng lupa sa tabing ilog ng So. Libuton, Brgy. Bakhaw Norte noong Linggo.
STL Panay dredging vessel

Ito ang sinabi ni Fuentebella sa pag-uusap niya kasama ang ilang opisyal ng Brgy. Bakhaw Norte makaraang magsagawa ng kilos protesta kasama ang mga mamamayan sa tanggapan ng DPWH Aklan.

Paliwanag ni Fuentebella, sa isinagawa nilang imbestigasyon, ang walang humpay na pag-ulan sa mga nakalipas na araw at pagbaha sa ilog ang dahilan ng pagguho ng lupa roon.

Gayunman nilinaw niya na dahil sa pagdredge sa sandbar sa bukana ng Aklan river kaya maaring nakadagdag ang hightide sa pagtaas ng tubig sa ilog dahilan para lumambot at gumuho ang lupa.

Nangako naman ang district engineer na hahanapan nila ng pondo ang kahilingan ni punong barangay Maribeth Cual na malagyan ng istaka o proteksyon ang kanilang barangay bago isagawa ang proyekto. Katunayan, naglaan na ng P38 milyon si Cong. Carlito Marquez sa layuning ito.

No comments:

Post a Comment