ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Dismayado ang Diocese of Kalibo sa mabagal na aksiyon ng lokal na pamahalaan kaugnay sa hinaing ng taumbayan sa isyu ng dredging operation.
Kalibo Cathedral by Darwin Tapayan |
Napag-alaman na nagsasagawa ng mangrove reforestation ang Caritas sa lugar kasama ang Diocese of Kalibo kaya gayun na lang ang kanilang pagkabahala.
Katunayan anya, ipanaabot na niya ang hinaing ng Simbahan sa Sangguniang Panlalawigan kaugnay sa operasyon ng barko sa lugar noong Disyembre 8, 2016 pero wala paring aksiyon.
Sa kanilang pagmonitor, nagsagawa umano ng inisyal na pagkilos ang barko noong Disyembre 21, 26 at Enero 22. Naniniwala ang Simbahan na magdudulot ng pagguho ng lupa ang nasabing proyekto at nanindigan na itigil na ang nasabing proyekto.
Kinukuwestiyon, ni Dalida kung bakit kailangan pang umabot sa puntong magkilos protesta ang taumbayan bago sila nagsagawa ng aksiyon.
Ikinadismaya rin niya ang kakulangan ng public consultation bago ang nasabing operation. Hindi rin umano sila pinaalam sa proyekto at ginawang kabahagi ng binuong Multi-partite Monitoring Team.
Matatandaan na nagsagawa ng protesta ang mga taga-Bakhaw Norte Huwebes ng umaga upang mahigpit na tutulan ang dredging operation ng probinsiya at ang kontraktor na STL Panay. Reklamo pa nila na dahil sa inisyal na dredging operation ng barko ay gumuho ang lupa sa tabing-ilog ng So. Libuton.
No comments:
Post a Comment