ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Hindi na nakapalag pa sa mga awtoridad ang mag-live-in partner at isa pa sa isanagawang drug buy bust operation sa Isla ng Boracay Huwebes ng gabi.
Sa buy bust operation dakong 9:00 ng gabi sa So. Bolabog, Brgy. Balabag, nabilhan ng isang sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu ang suspek na si Jeneveve Canja, 42 anyos, residente ng Tobias, Antique.
Narekober naman sa kanya ang Php1,000 mark money.
Maliban sa kanya inaresto rin ng mga awtoridad si Melchor Saron, 46 ng Brgy. Tagbaya, Ibajay makaraang maaktuhang nag-abot ng droga sa live-in partner. Narekober din sa kanyang posisyon ang apat pang sachet ng pinaghihinalaang shabu.
Hindi rin nakapalag ang kaibigan nilang si Jose Salvador Timoteo Cahilig na nagkataong presente sa nang gawin ang operasyon sa boarding house ng mag-live-in partner.
Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsamang pwersa ng Malay police station, Boracay Tourist Assistance Center, Aklan Public Safety Company, Maritime Police at Philippine Drug Information Agency.
Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
No comments:
Post a Comment