Friday, January 27, 2017

DREDGING VESSEL NG STL PANAY PALALAYASIN MUNA SA AKLAN

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Tila nabunutan ng tinik ang mga opisyal at taumbayan sa Brgy. Bakhaw Norte, Kalibo matapos maipaabot ang kanilang mga hinaing sa mga opisyal ng gobyerno kaugnay ng kanilang pagtutol sa dredging project sa Aklan river.

Energy FM Kalibo photo
Ayon kay punong barangay Maribeth Cual, sang-ayon umano si Aklan governor Florencio Miraflores na paalisin muna ang dredging vessel ng Santarli (STL) Panay sa baybayin ng So. Libuton, Brgy. Bakhaw Norte. 

Hiniling ng gobernador na magsagawa sila ng barangay resolusyon sa layuning ito. Anya, hanggang hindi nakakukumpleto ang mga kaukulang dokumento ang kompanya ay hindi pa maaring dumaong ang kanilang barko sa lugar.

Ito ang naging laman ng isinagawang closed-door meeting ng mga opisyal ng barangay at ilang mamamayan kasama ang gobernador makaraang magsagawa ng kilos-protesta Huwebes ng umaga sa harapan ng kapitolyo upang tutulan ang dredging project.

Ang Singaporean vessel ay nasa bayan ng Kalibo kaugnay ng dredging operation sa Aklan river. Gayunman sa kabila ng mga pagtutol at wala pang mga kaukulang permiso mula sa gobyerno ay nagsagawa na ng dredging.

Naninindigan si Cual na maaring gumuho ang ilang bahagi ng nasasakupang barangay kabilang na ang isla ng So. Libuton kapag ipinursigi ang dredging project. 

No comments:

Post a Comment