ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Arestado sa isinagawang hot pursuit operation ng Malay police station at Barangay Police Action Team (BPAT) ang kinikilalang magnanakaw ng manok sa bayan ng Malay.
Kinilala ang naaresto kay Roy Bantang y Dela Torre, 20 anyos, reside
nte ng Union, Nabas.
Kasama rin sa naaresto ang isang 14 anyos na lalaki na tinuturong kasama niya sa pagnanakaw.
Ayon sa report ng pulisya, sa araw lang ng Huwebes ay apat na katao ang nagsasabing ninakawan sila ng mga manok.
Isa sa na ninakawan ay si SPO1 Jaime Nerbeol Jr., 37 anyos, residente ng Poblacion, Buruanga na nagkataong imbestigador din sa nasabing kaso.
Ayon kay Nerbeol, ninakaw ang isa niyang pangsabong na manok sa Sambiray, Malay ng mga naturang suspek.
Matapos mapag-alaman ang kinaroroonan ng mga suspek ay agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad sa Union, Nabas Huwebes dakong 11:30 ng umaga. Narekober sa 20 anyos na suspek ang manok ng pulis samantalang ang iba pang mga ninakaw ay posibleng naibenta na niya.
Napag-alaman na noong buwan ng Disyembre ay may mga naitala na ring kaso ng pagnanakaw ng pansabong na manok.
Sinampahan na ng kaukulang kaso ang 20-anyos samantalang ang menor de edad na kasama ay nasa pangangalaga muna ng Malay Social Welfare and Development Office.
No comments:
Post a Comment