Monday, January 23, 2017

PAGGUHO NG LUPA SA BAKHAW NORTE KALIBO, ISINISI SA DREDGING PROJECT NG STL

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

photo as provided in Kalibo PNP station
Sinisisi ng taumbayan ng Bakhaw Norte ang pagguho ng lupa sa So. Libuton sa ginagawa umanong dredging project ng Santarli company.

Ayon kay barangay kagawad Duvil Duran, nagsagawa umano ng dredging ang dredging vessel ng nasabing kompanya Linggo ng umaga dahilan ng pagguho ng lupa sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Duran, apektado ng naturang pagguho ang nasa apat na kabahayan.

Ang nasabing barko ay nakaankla umano sa tabing baybayin ng nasabing lugar nasa 150 metro ang layo.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo kay Engr. Roger Esto, tagapagsalita ng Management Monit

oring Team, magsasagawa umano sila ng imbestigasyon hinggil rito.

Giniit naman ni Esto na wala pang hudyat ang MMT sa Santarli upang simulan ang kanilang dredging project sa Aklan river. Katunayan anya, hindi pa nila naisusumite ang kanilang a-state survey, isang pangunahing requirement para masimula ang proyekto.

Posible anyang maharap sa kaukulang kaso ang Santarli kapag napatunayang may paglabag sila sa kanilang operasyon.

No comments:

Post a Comment