Monday, May 29, 2017

SANGGUNIANG BAYAN NABABAHALA SA TALAMAK NA KASO NG BANDALISMO SA KALIBO

Ikinababahala ng Sangguniang Bayan ng Kalibo ang talamak na kaso ng bandalismo sa mga pampubliko at pribadong istraktura sa bayan ng Kalibo. 

Kaugnay rito, pinatawag ng Sanggunian si PCInsp. Terence Paul Sta. Ana, hepe ng Kalibo PNP, upang pagpaliwanagin sa mga nasabing kaso. 

Ayon kay Sta. Ana, batay sa mga insiyal report, ang mga bandalismo ay kagagawan ng grupo ng mga menor de edad sakay sa motorsiklo. Madalas umanong ginagawa ito tuwing gabi. 

Makikita ang mga bandalismo sa mga pader ng provincial hospital, Kalibo Elementary School at maging sa estatwa ng Gomburza. 

Umapela naman ng kooperasyon ang mga kapulisan sa taumbayan sa posibleng pagtukoy at paghuli sa mga responsable rito.

No comments:

Post a Comment