Ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Ipapatawag ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang pamunuan ng
FUS Merchandising upang pagpaliwanagin sa palyadong detector ng kanilang
establisyemento.
Sa panayam ng Energy FM Kalibo, sinabi ni mayor William Lachica
na nakatakdang humarap ang pamunuan ng establisyemento bago magtapos ang buwan.
Nitong mga nakalipas na linggo, ay ilang tao na ang
nagreklamo na sila ay napagkamalang nagshoplift at napahiyaa nang busisiin ang
kanilang gamit at pinamili dahil sa hindi wastong pagtunog ng detector.
Kabilang sa nabiktima kamakailan ay ang babaeng reporter ng
isang istasyon ng radyo dito sa Kalibo. Napahiya umano siya ng busisiin ng
gwardiya ang kanyang bag sa harap ng maraming tao.
Ayon sa alkalde, nais niyang maaksyunan kaagad ang problema
sa palyadong detector. Abala umano ito sa mga kostumer at nagdudulot pa sa
kanila ng kahihiyan.
No comments:
Post a Comment