Ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
‘Liable’ ang Aklan Electric Cooperative (Akelco) sa
pagkasira ng mga appliances at epekto sa negosyo na dulot ng sunud-sunod na power interruption.
Ito ang sinabi ni Sangguniang Panlalawigan member Harry
Sucgang sa kanilang regular session kaugnay sa isyu ng patay-sindeng suplay ng
kuryente.
Sinabi ni Sucgang, apektado ang mga negosyante sa bagay na
ito kagaya nalang kapag ang mga restaurant
ay nasisiraan ng mga pagkain dahil sa mga unscheduled interruption.
Sang-ayon naman rito si SP member Esel Flores dahil ito rin
ang reklamo ng ilang mga negosyante sa isla ng Boracay.
Paliwanag ni Atty. Sucgang, pwede umanong ireklamo ang
Akelco dahil sa mga hindi inaasahang power interruption lalu na at wala namang
mga kalamidad.
Naniniwala ang mambabatas na mayroong kakulangan ang Akelco
sa kanilang operasyon.
Binuksan ni SP member Lilian Tirol ang nasabing isyu sa plenaryo
matapos makarating sa kanya ang ilang mga reklamo ng ilang consumer sa mga
nasisira nilang mga appliances dahil dito.
Kaugnay rito, ipapatawag ng Sanggunian ang pamunuan ng
Akelco para sa isang pagpaliwanagin sa nasabing isyu sa pagdinig na
pangangasiwaan ng committee on energy.
No comments:
Post a Comment