ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Nagsumbong sa mga kapulisan ang isang dalaga makaraang
pakitaan umano siya ng ari ng isang 'di pa nakikilalang lalaki sa Capitol Site,
Kalibo pasado alas-10:00 ng umaga.
Kuwento ng 20 anyos na biktima sa Energy FM Kalibo,
nag-aantay umano siya sa kanyang tatay na sunduin siya nang dumating ang
nasabing lalaki.
Sakay umano ito sa motorsiklo at biglang huminto sa kanyang
harapan at inilabas ang kanyang ari para paglaruan.
Nagulat at natakot ang dalaga na tubong Batan, Aklan kaya
ito tumakbo papalayo.
Ayon pa sa kanya, nakasuot umano ng short ang lalaki at
nakaface-mask at nakasunglass.
Matapos ang insidente ay umalis naman agad ang suspek sakay
ng motorsiklo.
Nabatid na pumapasok sa isang review center ang dalaga sa
nasabing lugar para sa teachers' board exam.
Agad namang isinumbong ng dalaga ang nangyari pagdating ng
tatay bagay na inireport nila sa pulisya.
No comments:
Post a Comment