Monday, May 29, 2017

MOTORSIKLO SUMALPOK SA POSTE SA BAYAN NG NUMANCIA; DRIVER PATAY

ulat ni Darwin Tapayan / Joefel Magpusao, Energy FM 107.7 Kalibo

Patay ang 24-anyos na lalaki nang sumalpok ang menamanehong motorsiklo sa poste sa brgy. Laguinbanwa East, Numancia ala-1:00 ng madaling araw kanina.

Kinilala ang biktima si Rannie Fernando y Mortalla, 24 anyos, residente ng brgy. Dongon West, Numancia.

Ayon sa inisyal na report ng Numancia PNP, binabaybay ng biktima ang kahabaan ng national highway mula Poblacion, Numancia patungong Kalibo.

Nawalan umano ng kontrol ang biktima at bumangga sa konkretong poste sa kurbadang bahagi ng kalsada sa pinangyarihan ng aksidente.

Naisugod pa sa provincial hospital ang lalaki pero dakong alas-4:00 ng umaga ay binawian rin ng buhay dahil sa malubhang sugat na tinamo sa ulo.

Sa tindi ng pagbangga, wasak ang unahang bahagi ng motorsiklo at pansamantalang nasa disposisyon ngayon ng mga kapulisan.

No comments:

Post a Comment