ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
photo (c) Kalibo PNP |
Sinisiguro ngayon ng Aklan Police Provincial Office (APPO)
ang seguridad para sa matiwasay na pagbubukas ng klase sa Hunyo 5.
Ayon kay APPO provincial director PSSupt. Lope M Manlapaz, nakaalerto
parin ang mga kapulisan upang masigurong walang anumang masasamang elemento ang
makapasok sa probinsiya sa darating na pasukan.
Maglalagay umano ng public assistance desk ang mga kapulisan
sa mga paaralan pati rin sa mga airport, seaport, transport terminal, mall,
business center at iba pang matataong lugar.
Magsasagawa rin ang mga kapulisan ng mobile at foot patrol
sa mga pangunahing daanan patungo sa mga paaralan at maging sa bisinidad ng mga
ito.
Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa mga estudyante na
iwasan makipag-usap sa mga hindi kakilala, pagdadala ng malaking halaga ng pera
at paggamit ng cellphone habang naglalakad.
Agad ring ireport sa mga awtoridad ang anumang kaso ng
bullying at mga sakuna.
No comments:
Post a Comment