Sunday, February 10, 2019

ALAMIN: Pebrero 11 ay special non-working holiday sa Panay Island sa paggunita sa Evelio Javier Day


Ang Pebrero 11 bawat taon ay special non-working public holiday sa Isla ng Panay o sa mga lalawigan ng Antique, Aklan, Capiz at Iloilo bilang paggunita sa death anniversary ng dating gobernor ng Antique na si Evelio B. Javier.

Sino ba si Governor Evelio Javier? Siya ay isang politiko na pataksil na pinatay sa pagtatapos ng panunungkulan ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

Si Javier ay masugid na taga-suporta ng noo'y presidential candidate na si Corazon Aquino. Binaril siya Pebrero 11, 1986 apat na araw pagkatapos ng snap election pero nasa kasagsagan pa ng bilangan ng boto.

Ang pagpatay kay Evelio Javier ay nakatulong sa pagbagsak ng rehimeng Marcos mula sa kapangyarihan dahil sa People Power Revolution.

Si Javier ay pinatay sa Freedom Park ng San Jose, Antique sa umano'y atas ng dating Assemblyman at kaanib ni Marcos na si Arturo Pacificador gayunman si Pacifador ay naabswelto sa kaso.

Simula 1987 taun-taon ay ginugunita ang Gov. Evelio B. Javier day kasunod ng Republic Act 7601. Ang freedom park sa Antique ang nagsiserbeng sentro ng paggunita bawat Pebrero 11.##

No comments:

Post a Comment