Friday, January 25, 2019

Abuse of Authority: Punong Barangay sa Tangalan sinuspende ng Sangguniang Bayan


SINUSPENDE NG Sangguniang Bayan ng Tangalan ang Punong Barangay ng Tondog na si Henry Cuanico dahil sa grave abuse of authority.

Reklamo ni Rodolfo Tala-oc tinanggihan umano ng punong barangay na mabigyan ng permit ang kanilang organisasyon na magsagawa ng benefit dance.

Nabatid na noong Nobyembre 18, 2018 naghain ng aplikasyon ang Guardian Philippines Brotherhood para sa naturang aktibidad.

Inireklamo ni Tala-oc ang punong barangay sa Ombudsman Visayas pero ibinalik rin sa Sanggunian ang pag-iimbestiga at desisyon.

Sa imbestigasyon ng Sangguniang Bayan Adhoc Committee pinaburan nila ang nagrereklamo at nagdesisyon na suspendehin ang punong barangay.

Dahil nasa election period ngayon, ang suspensiyon ng Punong Barangay ay ipapatupad sa Hunyo 13, 2019.

Samantala, una nang idinepensa ng Sangguniang Barangay na hindi umano nakipag-ugnayan ang grupo ni Tala-oc sa kanila kaugnay ng kanilang aktibidad.

Idinagdag pa nila na may mga kasayahan umano ang grupo at videoke na madaling araw nang natatapos. Nakakadisturbo ito umano sa mga kalapit nila.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment