Sunday, January 20, 2019
Bishop Talaoc: tulungan ang mga mahihirap, pansinin ang mga Ati, iba pang katutubo
BINIGYANG DIIN ni Most Rev. Jose Talaoc, Bishop ng Diocese of Kalibo, sa kanyang homiliya sa kapyestahan ng Señor Santo Niño de Kalibo ang pagpapakumbaba at pagtulong sa mga mahihirap.
Ibinahagi niya ang halimbawa ng Panginoong Jesus Cristo na naglingkod sa mga nangangailangan bilang pagtupad sa gawain ng Ama. "Daya man do challenge katon tanan, kakon, sa mga pari, sa mga lider it nasyon, sa atong probinsiya ag mga banwa."
Nagpaalala siya sa lahat na maging mapagpakumbaba. "I'm always reminding myself and our leaders that we can only emulate great leader nga simple, mapinainubuson para masabat ro mga kinahangeanon it mga pobre." Aniya ang mga napapabayaan ay ang mga mahihirap.
Binanggit rin niya ang pagbibigay pansin sa mga Ati sa Boracay, sa mainland Malay, sa Bulwang, Numancia, at sa Altavas ganoon rin ang mga katutubo sa mga bayan ng Madalag at Libacao.
Ang misa ay dinaluhan ng libu-libong deboto na pumuno sa Pastrana Park. Kasunod nito ay pinangunahan naman ni Kalibo Mayor William Lachica ang pagtataas ng imahe ng Sto. Niño at pagsigaw ng "Viva kay Sr. Sto. Niño!"
Sinundan ito ng procession ng mga Sto. Niño images at sadsad ng mga tribu at grupo na kalahok sa patimpalak ng selebrasyon ng Ati-atihan Festival.
Ang kultural at relihiyosong selebrasyon ng Kalibo Sto. Nino Ati-atihan Festival ay nagsimula noong Enero 2 at magtatapos ngayong araw ng Linggo, Enero 20.##
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment