Sapul sa close circuit television (cctv) footage ang
pagnanakaw ng dalawang babae sa isang 33 anyos na misis sa loob ng isang
establisyemento sa bayan ng Kalibo.
Ayon sa biktimang si Marian Villanueva, residente ng
Poblacion, Kalibo, nasa loob umano siya ng New FUs Merchandise nang manakawan
siya ng hindi pa nakikilalang mga suspek.
Makikita sa cctv na habang namimili ang biktima sa loob ng
establisyemento ng madukutan siya ng mga suspek.
Nakita rin sa cctv na nagpalit ng damit ang isa sa mga
suspek.Hinubad raw nito ang suot na jacket.
Nakuha ng mga suspek sa kanyang shoulder bag ang kanyang
wallet. Laman nito ang Php10,000, dalawang ATM cards, dalawang credit cards, at
mga government IDs.
Iniimbestigahan na ngayon ng Kalibo municipal police station
ang nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment