Tuesday, June 06, 2017

PHP100K IBIBIGAY NG DOH SA AKLAN PARA SA BLOOD SEVICES PROGRAM

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Inaprubahan sa Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang kahilingan ng gobernador ng probinsiya na sumailalim sa kontrata sa Department of Health (DOH) sa paglalaan ng Php100 libo panibagong pondo.

Ayon sa memorandum of agreement ng DOH-6 ang pondong ito ay para sa Blood Olympics ng probinsiya na saklaw ng National Blood Services Program.

Nabatid na ang munisipalidad na makakalap ng maraming dugo ay bibigyan ng Php50 libo, samantalang ang pangalawa ay Php30 libo at ang pangatlo ay Php20 libo.

Layunin ng proyektong ito ang mahikyat ang mga munisipalidad na maging aktibo sa paglalaan ng sapat na suplay ng dugo sa probinsiya.

Samantala, inaprubahan rin ng SP Aklan ang kahilingan ng gobernador ng probinsiya na sumailalim sa kasunduan sa paglalagay ng tanggapan ng DOH sa provincial hospital sa Kalibo at district hospital sa Boracay.

Ito ay para matutukan pa ng pamahalaan ang paglalaan ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan.

No comments:

Post a Comment