Monday, June 05, 2017

TOPOGRAPHIC SURVEY SA KALIBO ISASAGAWA PARA MATUKOY ANG MGA SINKHOLES

Isinusulong ngayon ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang pagsasagawa ng topographic survey sa baying ito para matukoy ang mga sinkholes.

Isasagawa ito ng Mines and Geosciences Bureau of the Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay Sangguniang Bayan member Cynthia Dela Cruz, gagamitin ang resulta nito para sa land planning, at pagbibigay ng construction permit.

Isinulong umano ng konsehal ang resolusyon kaugay rito kasunod ng mga ulat ng lindol, baha at iba pang mga kalamidad na nangyayari sa bansa.

Ang Kalibo ay malapit lamang sa dagat, sa ilog at halos kalahati nito ay diklaradong flood prone area bagay na pagmumulan ng sinkholes na magdudulot  ng pagguho ng mga gusali at mga kalsada kahit na walang lindol.

Malaking bagay anya ang pag-aaral na ito para magsilbing babala at maiwasan ang posibleng panganib na dulot nito sa taumbayan.

No comments:

Post a Comment