Nakikipagtulungan ngayon ang Department of Environmet and Natural Resources (DENR) sa kanilang kampanya na protektahan ang isla ng Boracay.
Ang kampanya na #saveboracay ay inilunsad sa unang Youth Environment Summit na dinaluhan ng nasa 100 mga youth leader mula sa Boracay, Iloilo, Dumaguete, Cebu, Samar at Bohol.
Layunin ng kampanyang ito maipalaganap ang mga tamang impormasyon patungkol sa kalikasan sa pamamagitan ng social media.
Isinagawa ang summit sa Boracay dahil narin sa mga environmental concerns na kinakaharap nito.
Hinikayat naman ng Environmental Bureau ng DENR ang mga kabataan na protektahan ang kalikasab sa pamamagitan ng social media.
No comments:
Post a Comment