Tuesday, June 06, 2017

NEWS UPDATE: 39 ANYOS NA TRICYCLE DRIVER BINARIL NG RIDING IN TANDEM

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Binaril ng riding in tandem ang 39 anyos na tricycle driver sa brgy. Bulwang, Numancia.

Ito ang lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Numancia municipal police station sa pagpaslang sa biktimang si Edwin Dela Cruz, Sr.

Ayon kay PO2 Marlon del Rosario, namataan sa kuha ng close-circuit television (CCTV) footage ang dalawang lalaki sakay sa motorsiklo na sinusundan ang biktima.

Napag-alaman na mula pa sa Kalibo Public Market ay sinundan na ng mga suspek ang nasabing lalaki.

Naghatid pa ito ng kanyang pasahero sa brgy. Bulwang nang ilang sandali lang ay pinagbabaril na siya ng mga suspek.

Hirap pa sa pagtukoy ang mga awtoridad sa pagkakakilalan ng mga suspek dahil malayo ang kuha ng CCTV at nakahelmet pa ang mga ito.

Narekober ng mga awtoridad ang 6 na fire cartridge sa pinangyarihan ng insidente at dalawang slug ng pinaniniwalaang caliber 45.

Sa isinagawang post mortem examination sa bangkay ng biktima, nakitaan ito ng 12 sugat sa katawan.
Inaalam pa ng mga kapulisan ang motibo ng krimen.

No comments:

Post a Comment