ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
photo (c) skycrapercity |
Pinaburan ng Sangguniang Bayan ng Kalibo ang pagtatayo ng
temporary terminal para sa ferry operation.
Ito ay kasunod ng kahilingan ng Mabuhay Maritime Express
Transport, Inc. (MMET), subsidiary ng Philippine Airlines, sa munisipyo na
mabigyan sila ng certification of no objection.
Ayon kay Sherwin Tan, kinatawan ng kompanya, layun nito na
mas mapadali ang byahe ng mga pasaherong dumarating sa Kalibo international
airport patungong isla ng Boracay.
Plano ng kompanya na magsimula ang operasyon bago magtapos
ang taong ito.
Base sa kanilang temporary development plan, may lawak na
2803.00sqm ang lugar na pagtatayuan ng port at terminal. Mayroon itong dalawang
departure area na may nasa 450 seating capacity.
Kaugnay rito, iminungkahi ni konsehal Cynthia Dela Cruz na
magpatupad ng environmental fee sa nasabing port at terminal.
Pinasiguro ni Tan na ang proyekto ay malaking tulong sa
paglago ng turismo at ekonomiya sa Kalibo at buong Aklan.
No comments:
Post a Comment