Monday, June 05, 2017

TRICYCLE DRIVER BINARIL SA BAYAN NG NUMANCIA PATAY

ulat ni Joefel Magpusao, Energy FM 107.7 Kalibo

Dead on the spot ang isang 39 anyos na tricycle driver matapos itong pagbabarilin sa brgy. Bulwang, Numancia.

Sa inisyal na report ng pulisya, naganap ang nasabing insidente dakong alas-6:20 ng umaga kanina.

Kinilala ng Numancia municipal police station ang biktima na si Edwin Dela Cruz, 39, tubong Andagao, Kalibo.

Unang inakala ng nakarinig ng putok na gulong ng tricycle ang sumabok. 

Nang kanilang usisain ay bumulagta ang wala nang buhay na lalaki na nakadapa sa manibela ng kanyang tricycle at may mga tama ng bala sa likod at duguan.

Ayon sa Scene of the Crime Opperatives (SOCO), nakita sa crime scene ang anim na fired cartridge ng di nakikilalang kalibre. Nakitaan rin ng 11 sugat sa katawan ang biktima.

Napag-alaman na naghatid pa ng pasahero ang biktima sa brgy. Bulwang nang pagbalik ay doon na ito pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng insidente at ang pagkakakilalan ng suspek.

No comments:

Post a Comment