ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Ipinapasuspende ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang
takdang operasyon ng small-town lottery sa probinsiya dahil sa mga isyu ng legalidad
na kinakaharap nito.
Sa ginanap na pagdinig ng committee on games and amusement,
kinuwestiyon ng mga lokal na mambabatas ang taga-Philippine Charity Sweepstakes
Office (PCSO) kung bakit hindi pwedeng buwisan ng lokal na pamahalaan ang
operator nito.
Paliwanag ni Bam Urubio, national coordinator on STL
operation ng PCSO, na hindi na kailangan ng permit mula sa lokal na pamahalaan
ang Authorized Agent Corporations (ACC) dahil nakabayad na ito ng buwis sa
national.
Pinasiguro naman ni Urubio na makikinabang rito ang mga
lokal na pamahalaan at malaking tulong ito sa mga mahihirap.
Nababahala naman si SP member Jay Tejada na isa itong
pagpapakababa ng kanilang kakayahan na mabigyang pahintulot ang operasyong ito.
Kaugnay rito, nanindigan si vice governor Reynaldo Quimpo na
isuspende ang nasabing operasyon. Posibleng namang idulog sa korte ang
kwestiyon ng legalidad ng operasyon.
No comments:
Post a Comment