ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Hinikayat ng Rise Up Aklan ang mga biktima ng Bagyong
Yolanda na hindi na nakatanggap ng kontrobersiyal na emergency shelter
assistance (ESA) na kumuha ng Php5,000 presidential assistance fund.
Sinabi ni Kim-Sin Tugna, Rise Up Aklan coordinator, na ang presidential assistance ay pwede nang matanggap sa susunod na anim na buwan
simula Abril sa pamamagitan ng cash card na ibibigay ng government bank.
Napag-alaman na sa lalawigan ng Aklan, mahigit 20,000
household ang hindi nabigyan ng ESA mula sa pamahalaan.
Una nang nangako si pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng
tig-Php5,000 tulong sa ang mga biktima ng bagyo.
Hinikayat naman ni Tugna ang mga Yolanda survivors na
humingi ng tulong sa mga Rise UP coordinators at field validators sa kanilang
mga barangay.
No comments:
Post a Comment