ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Naglabas rin ng opisyal na pahayag ang grupo ng mga
negosyante sa probinsiya kaugnay ng takdang pagbubukas ng small-town lottery (STL)
sa Aklan.
Sa inilabas na board resolution ng Philippine Chamber of
Commerce and Industry (PCCI) Aklan chapter, mahigpit nilang tinututulan ang
operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) expanded STL.
Nanindigan ang grupo na dahil narin sa laganap na mga legal
na sugal sa probinsiya gaya ng lotto, bingo, at sabong ay hindi na kailangan pa ang STL.
Paliwanag nila, hindi maganda ang epekto nito sa lokal na
ekonomiya lalu na sa mga mahihirap.
Ang resolusyon ay personal na binasa ni Jose Mari Aldecoa,
vice president ng PCCI-Aklan board of directors, sa committee hearing kahapon sa
Sangguniang Panlalawigan kaugnay ng operasyon ng sugal na ito.
Samantala, sa ngayon ay tatlo nang opisyal na pahayag ng
pagtutol ang natanggap ng SP-Aklan mula sa Diocese of Kalibo, PCCI-Aklan, at
Couples for Christ.
No comments:
Post a Comment