ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Umabot na sa Php687,335
ang utang ng franchisee ng Jolibee Foods Corporation sa lokal na
pamahalaan ng Aklan.
Ito ay kasunod ng mga hindi nabayarang interests at
surcharges ng renta sa gusali.
Kaugnay rito hiniling ng franchisee na si Danilo Padilla Jr.
sa tanggapan ng Provincial Treasurer na kung maaari ay gawin nilang hulugan ang
pagbabayad rito sa loob ng anim na buwan.
Hiniling rin ng gobernador sa mga miyembro ng Sangguniang
Panlalaw
igan na kung maaari ay magpasa ng resolusyon pabor sa kahilingan ng
negosyante.
Kapag nangyari, magbabayad ng mahigit Php114,000 kada buwan
ang kompanya sa pamahalaang probinsyal sa loob ng anim na buwan.
Napagkasunduan ng Sanggunian na irefer ang usapin sa
komitiba ng budget and finance.
Ang Jollibee drive tru sa Mabini Corner D. Maagma st.,
Poblacion, Kalibo ay nagrerenta lamang sa lote at gusali ng lokal na
pamahalaan.
No comments:
Post a Comment