ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Muling magsasagawa ng motocross racetrack ngayong Hunyo ang
Brgy. Tinigaw, Kalibo ayon kay punong barangay Rolando Reyes.
Sa panayam ng Energy FM Kalibo, sinabi ni Reyes na mainam
kung ito ay maituon sa pagdiriwang ng San Juan Bautista para mas marami ang pupunta sa lugar.
Nakikipag-ugnayan na umano sa kanya ang ilang grupo para
makahikayat ng mga kalahok. Nangako narin umano ang ilang kompanya na susuporta
sa nasabing malaking event.
Matatandaan kamakailan lang ay sinang-ayunan ng Sangguniang
Bayan na ibilang sa opisyal na mga tourism destinations ng Kalibo at lalawigan
ng Aklan ang ‘picturesque riverside area’ ng Purok 3, Brgy. Tinigaw partikular
ang mabuhanging bahagi ng riverbanks.
Una nang pinagdausan ng invitational cup Mayo noong nakalipas
na taon ang nasabing lugar.
Maliban rito, plano rin ni Reyes na gawing summer sports
capital ang kanilang barangay para makahikayat pa ng maraming mga sports
enthusiasts kabilang na ang mga bikers at boxing sa tubig.
No comments:
Post a Comment