Monday, March 27, 2017

NAG-IISANG AKLANON NAGRADUATE SA PNPA MASIDLAK CLASS OF 2017

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Kasama ang nag-iisang 22-anyos na Aklanon sa 144 cadets na naggraduate ngayong taon sa Philippine National Police Academy (PNPA) “Masidlak” Class.

Pagsisikap at determinasyon ang naging daan para mapabilang sa PNPA alumni si PInsp. Ryan de Mateo Valenzuela.

Si Valenzuela ay tubong brgy. Old Buswang, Kalibo. Nagtapos siya ng kanyang elementarya sa Bakhao Sur Elementary School saka nagtapos ng sekondarya sa Aklan National High School for Arts and Trade.

Nagsimula siyang mag-aral sa kolehiyo sa Northwestern Visayan Colleges sa kursong education.
Isinagawa ang graduation noong Byernes sa Camp CastaƱeda, Silang, Cavite kung saan naging bisita rito si Pangulong Rodrigo Duterte.

No comments:

Post a Comment