photo (c) LGU Malay file |
Patuloy ngayo ang ginagawang monitoring ng pamahalaang lokal ng Malay sa mga iligal na kumokonekta sa storm drainage sa Boracay.
Katunayan bumuo na ang LGU Malay ng Bulabog Task Force para magsagawa ng clearing operation sa drainage sa nasabing isla.
Ayon kay Rowen Aguirre, executive assistant ng LGU-Malay, layunin ng operasyon na matumbok ang mga business at residential area na iligal na kinokonekta ang kanilang sewage line sa drainage.
Sinabi ni Aguirre na ilang mga lumabag na ang napatapawan ng penalidad ng pamahalaang lokal simula ng clearing operation noong Hulyo.
Nabatid na ang drainage line ay binuksan na sa main road sa Station 1 at magpapatuloy pa umano hanggang Station 2 at 3.
Ipinagbabawal sa ordinansa ng Malay blg. 307 ang paglalabas ng wastewater at sewage sa paligid ng isla at maging sa drainage system nito.
Maliban sa kaukulang penalidad na ipapataw ng lokal na batas, posible ring mapatawan sila ng penalidad mula sa Department of Environment and Natural Resources. (PNA)
No comments:
Post a Comment