Naungusan na ng mga Chinese ang noon ay nangunguna sa bilang ng mga tourist arrival sa isla ng Boracay na mga Koreano.
Base sa record ng Malay Tourism Office, nakapagtala ang Chinese ng mahigit 33,600 bilang ng tourist arrival sa buwan ng Hulyo.
Sa parehong buwan, pangalawa lamang ang mga Koreano sa listahan sa bilang na mahigit 28,500.
Sa katapusan ng buwan ng Hulyo, nakapagtala na ang Boracay ng kabuuang 1,260,958 mula Enero ngayong taon.
Sa parehong period, nabatid na ang Boracay ay nakapagtala lamang ng 1,126,755 tourist arrival o 12 porsyentong pagtaas ngayong taon.
Sa kabila ng habagat season na nararanasan ngayon sa isla, umaasa ang tourism office na marami parin ang mga turistang darating da Boracay dahil kahit rainy season ay hindi nawawalan ng mga aktibidad ang isla.
Kumpyansa naman sila na maabot ang 1.7 milyon na tourist arrival sa taong ito.
Una nang sinabi ni Kristoffer Leo Vallete ng Departm ent of Tourism –Boracay na ang pagtaas ng mga Chinese tourist sa Boracay ay dala ng bumubuting relasyon ng pamahalaang Tsina at Pilipinas. (PNA)
No comments:
Post a Comment