Monday, July 15, 2019

3 motorsiko nadisgrasya sa karerahan sa Numancia, 2 sugatan

photo: Lykshe Villanueva
NUMANCIA, AKLAN - Nadisgrasya ang tatlong motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Laguinbanwa East, Numancia matapos makipagkarerahan.

Dalawa ang nasugatan sa nasabing aksidente na kinilalang sina JR Jude Lota, 14-anyos, residente ng Brgy. Pusiw, Numancia, at Jonel Bayog, 16, residente ng Brgy. Albasan pawang mga driver ng motorsiklo.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Numancia PNP, nagkakarera ang tatlo Linggo ng umaga nang may lumikong van sa kanilang unahan.

Biglang nagpreno umano si Bayog dahilan para madisgrasya at matumba sa sementadong kalsada.

Nasagi naman ni Lota ang isa pang motorsiklo bago ito sumalpok sa likuran ng sinusundang van. Parehong natumba sa kalsada ang mga nasabing motorsiklo.

Agad isinugod ang mga sugatang driver sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital para magamot habang patuloy pang iniimbestigahan ng kapulisan ang insidente.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

No comments:

Post a Comment