Wednesday, August 01, 2018

MOTORSIKLO AT TOPDOWN TRICYCLE NAGBANGGAAN SA KALIBO; 2 KRITIKAL

photos © MDRRMO-Kalibo
Dalawang katao ang kritikal habang apat ang sugatan matapos magbanggaan ang isang topdown at motorsiklo sa Brgy. Caano, Kalibo gabi ng Martes.

Ayon sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, ang motorsiklo ay menamaneho ni Elmer Umbao, 23-anyos kasama ang sakay na si Carlo John Alaban, mga residente ng Polo, New Washington.

Patungo ang kanilang direksyon sa New Washington nang aksidente itong bumangga sa topdown na tricycle na menamaneho ni Mark Anthony Francisco. Sakay nito sina Joven Froilan Negrosa, Noel Loquisan at Rialyn Antonio na patungo naman ng Kalibo.

Confine sa intensive care unit sa isang pribadong ospital ang sakay ng motor na si Alaban na nagtamo ng malubhang sugat sa ulo at bali sa kanyang paa.

Nasa ICU rin ng Provincial Hospital ang driver ng topdown na si Francisco na nagtamo rin ng malubhang sugat sa ulo at unconscious umano nang isugod dito.

Nagtamo naman ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang iba pang sangkot sa aksidente. Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa nangyari. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment