Wednesday, August 01, 2018

MIYEMBRO NG BUDOL-BUDOL ARESTADO SA KALIBO, AKLAN

Arestado ang babaeng ito na nagpakilalang si Josefa Damasco na taga-Bacolod City.

Ang target ng suspek mga negosyante at dealer ng abuno. May ipinapakita itong resibo na nagbayad umano ito ng sampung sako at kukunin niya ang sukli.

Sa pagsisiyasat ng isa sa biktima sa CCTV, wala raw transaksiyon sa kanila ang suspek kaya agad silang tumawag sa PNP na nagresulta sa pagkaaresto.

Sa exclusibong panayam ng Energy FM inamin nito ang krimen. Ginawa niya lang daw ito para may pambili ng gatas para sa anak. | Archie Hilario, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment