Tuesday, July 31, 2018

VIDEO NI ALICE DIXSON SA NAKASARANG ISLA NG BORACAY USAP-USAPAN SA SOCIAL MEDIA

Ano nga ba ang katotohanan sa video ng aktres na si Alice Dixson na kuha sa Boracay Island?

Pinag-usapan ang nasabing Instagram post ni Dixson dahil marami ang nagtaka kung paano siya nakapasok sa isla gayung nanatili itong sarado sa mga turista.

Sa kanyang Instagram post, ibinandera ni Dixson ang video na kuha sa station 3 ng Boracay kasabay ng kanyang 49th birthday noong July 28.

May caption pa ito na “Capturing this moment that will NEVER happen again!!! My birthday all alone on Boracay beach front… just the 3 of us”.

Hinala ng mga netizens, tila may favoritism dahil sa pagiging celebrity ni Dixson.

Pero base sa impormasyon, residente ng Barangay Yapak si Dixson at mayroon itong ID na inisyu sa mga naninirahan doon kasabay ng pagsasara sa isla noong April 26.

Nakumpirma din na ilang taon nang pabalik-balik sa isla ang aktres at ang kanyang boyfriend ay general manager ng Crimson Resort and Spa, isa sa mga establisyimento sa isla.

Read more: http://radyo.inquirer.net/…/video-ni-alice-dixson-sa-nakasa…

No comments:

Post a Comment