Tuesday, July 31, 2018

48-ANYOS NA LALAKI BINARIL SA BAYAN NG LIBACAO; SUSPEK SARILING PAMANGKIN

Isang lalaki sa bayan ng Libacao ang nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan matapos siyang barilin ng sariling pamangkin sa Brgy. Manica gabi ng Lunes.

Nakilala ang biktima na si Zaldy Valentin, 48-anyos, habang ang suspek ay si Clyde Valentin, nasa legal na edad, pawang mga magsasaka at mga residente ng naturang barangay.

Ayon sa biktima nag-ugat ang lahat ng pinauuwi niya ang kanyang manugang na lalaki mula sa bahay ng kanyang pamangkin kalapit lamang ng kanyang bahay.

Nagalit umano ang suspek lalu at nakainom pa ito. Kumuha umano ito ng dedose o improvised shotgun at binaril siya. Nagtamo siya ng daplis ng bala sa noo at sa dibdib.

Tumakas naman umano agad ang suspek matapos ang insidente. Kinabukasan pa bago madala sa ospital ang biktima. Sa araw lang ding ito nakarating ang ulat sa pulisya.

Naka-confine ngayon sa provincial hospital sa Kalibo ang biktima.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan sa kaso habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment