Monday, July 30, 2018

GOV. MIRAFLORES MAGHAHATID NG KANYANG STATE OF THE PROVINCE ADDRESS NGAYONG ARAW

Nakatakdang maghatid ng State of the Province Address si Gov. Florencio Miraflores sa ngayong araw ng Lunes dakong alas-3:00 ng hapon.

Gaganapin ito sa legislative building ng probinsiya sa regular session ng Sangguniang Panlalawigan.

Ayon kay SP consultant Odon Bandiola, kumpirmado umanong dadalo sa SOPA si Congressman Carlito Marquez at mga alkalde sa Aklan.

Bibisita rin umano ang mga opisyal ng Makati Medical Center sa SOPA. Sila ay nasa Aklan para sa isang health colloquium o pagpupulong kasama ang gobernador.

Kagaya umano ng mga nakaraan niyang address inaasahan na magtatagal umano ito ng nasa isang oras.

Para sa kanya, isa umano sa posibleng talakayin ng gobernador ay ang pagsasara sa Isla ng Boracay at ang realignment ng budget para sa mga apektadong ospital ng probinsiya. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment