Wednesday, August 01, 2018

WANTED SA KASONG RAPE ARESTADO SA KALIBO; BIKTIMA SARILING MANAK

Arestado ang lalaking ito dahil sa kasong two counts of Rape in relation to Republic Act 7610 hapon ng Miyerkules.

Kinilala ang akusado na si Joel Marquez Pamatian, 29-anyos, residente ng Brgy. Nalook, Kalibo.

Nabatid na sarili niyang manak na isang menor de edad ang kanyang biktima.

Naaresto siya sa kanyang residensiya ng pinagsamang pwersa ng Kalibo PNP, CIDG-Aklan, Aklan Trackers Team, at Highway Patrol Group-Aklan.

Ang kanyang warrant of arrest ay inilabas ng Regional Trial Court 6th Judicial Region nito lang Hulyo 20.
Walang pyansang itinakda ang korte.

Nakapiit ngayon ang akusado sa Kalibo PNP station at nakatakdang dalhin sa kaukulang korte. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment