Thursday, August 02, 2018

LOLO PATAY MATAPOS MALUNOD SA ILOG SA LIBACAO

Patay ang isang 75-anyos na lolo sa bayan ng Libacao matapos malunod sa ilog sa Brgy. Pinonoy araw ng Miyerkules.

Kinilala sa report ng Libacao PNP ang biktima na si Rufino Villorente Sr., residente ng Brgy. Poblacion sa nasabing bayan.

Salaysay ng nakasaksing mag-ina na sina Mia Isabel at Elena Araneta, hinabol umano ng matanda ang nakatakas na kalabaw patungo sa ilog.

Binalaan pa umano nila ang biktima pero hindi ito nakinig at hinabol parin niya ang alagang kalabaw.

Nakita pa umano nila ang biktima na sumisid sa ilog. Nagtataka sila na ilang sandali na ang nakalipas ay hindi parin nila nasilayan ang biktima.

Humingi na umano sila ng tulong sa mga tao roon at maging sa anak ng biktima. Kalaunan ay lumutang rin ang lolo.

Agad nila itong isinugod sa ospital pero ilang sandali pa ay binawian rin ito ng buhay doon. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment