Monday, July 30, 2018

"CITY MALL BOYS" SA KALIBO MULING SUMALAKAY: CONSTRUCTION SITE NILOOBAN

MULING SUMALAKAY ang binansagang "City Mall Boys" sa bayan ng Kalibo kung saan isang construction site naman ang kanilang nilooban.

Ang grupo ng mga menor de edad ay kilala na ng Kalibo PNP na magnanakaw dahil paulit-ulit nang nahuhuli ang mga ito.

Ayon kay PO2 Erick John De Lemos, imbestigador, natangay ng dalawang menor de edad, 12 anyos at 13 anyos na mga lalaki ang isang cellphone at pera.

Hindi alam ng mga bata na nakuhanan sila ng CCTV doon sa lugar. Nahuli ang mga bata sa follow-up operation ng kapulisan at nasabat sa kanila ang ninakaw na cellphone.

Matapos sumailalim sa counseling ng kapulisan at social welfare ay laya na naman ang mga bata.
Sila rin ang mga batang nahuli ng mga kapulisan na nanghold-up sa isang lolo sa Brgy. Estancia, Kalibo kamakailan pero pinakawalan din dahil hindi pwedeng makasuhan.

Matatandaan na ang 17-anyos lamang na lider nila ang nasampahan ng kaso at ngayon ay nasa pangangalaga na ng Aklan Rehabilitation Center. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment