Monday, May 22, 2017

MOTORSIKLO BUMANGGA SA BAKA, 2 SUGATAN; BAKA, PATAY

Dalawang motorista ang sugatan matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang baka sa national highway ng brgy. Laguinbanwa East, Numancia.

Kinilala ang mga biktima na sina Niel Narciso at Melanio Tambong, kapwa bente-uno anyos, magpinsan at mga residente ng Cayangwan, Makato.

Sa imbestigasyon ng Numancia PNP, pasado ala-1:00 ng madaling araw ay binabaybay ng dalawa ang kahabaan ng national highway mula Kalibo pauwi sa kanila nang bigla umanong tumawid ang isang batang baka kung kaya’t nabangga nila ito.

Nabatid na tumilapon ang dalawa at nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang back rider na si Melanio Tambong. Patay naman ang baka na tinatayang nasa dalawang buwang gulang.

Isinugod sa provincial hospital ang dalawa kung saan na-confine ang backrider, samantalang outpatient naman ang driver.

Ayon din sa report ng pulis, nakatali ang ina ng batang baka sa gilid ng kalsada.

Nakilala naman ang may-ari ng baka na si Jose Gonzales, 51 anyos ng Bulwang, Numancia.
Pinabulaanan niya na siya ang nagtali ng baka malapit sa kalsada.

Pansamantalang nasakustodiya ng Numancia PNP ang lalaki para sa kaukulang disposisyon.

No comments:

Post a Comment