Nakahanda na ang isandaan at labing-anim na mga pampubliko at pribadong mga paaralan sa buong probinsya ng Aklan para sa ikalawang taon ng implementasyon ng K to 12 ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay Jose Niro Nillasca, education program supervisor at senior high school coordinator ng Division of Aklan, nakahanda na ang Aklan para dito sa kabila na may kakulangan pa rin sa mga classrooms at mga guro.
Sa ngayon ay nasa final process na sila ng paghahanda.
Nabatid na sa mahigit isandaang institusyon sa probinsiya na nag-o-offer ng senior high school, pitpumpu’t-lima lamang dito ang public.
Sinabi din ni Nillasca na ilang pang classroom ang nasa konstruksyon sa ngayon para tanggapin ang umaabot sa labinsiyam na libong mga estudyanteng papasok sa Grade 11 at Grade 12 ngayon school year.
Sinabi rin ng opisyal ng DepEd na nasa 267 slots ang bubuksan para sa mga guro a senior high school.
Meron din umanong apatnapung bakanteng pwesto mula sa nakaraang taon ang kinakailangang mapunan. (PNA)
No comments:
Post a Comment