Isa ang patay samantalang dalawa ang sugatan sa nangyaring
pananaksak sa Oyotorong St., Poblacion, Kalibo pasado 1:15 ng madaling araw
kanina.
Patay si Jesslee
Concepcion, 19 anyos at residente ng brgy. Tabayon, Banga. Sugatan naman ang
mga kasama niyang sina Edsel Ritos, 17, at Manuel Masagnay, 22, pawang mga residente
ng brgy. Bakhaw Sur, Kalibo.
Ayon sa report ng Kalibo municipal police station, naglalakad
umano ang mga biktima galing sa inuman nang sitahin sila ng suspek na
kinilalang si Gilbert Tipay, 23, at residente ng Purok 6, C. Laserna, Kalibo
saka sila pinagsasaksak.
Pinagtulungan pa umanong batuhin ang mga biktima ng mga
suspek na sina Areanne Remola at isang alyas Bongbong Morales.
Isinugod naman sa ospital ang mga biktima pero binawian rin
ng buhay ang isa sa kanila matapos magtamo ng malubhang sugat sa iba-ibang
bahagi ng katawan. Patuloy namang ginagamot ang dalawa sa provincial hospital.
Naaresto naman sa isinagawang follow-up investigation ng pulisya
sina Tipay at Remola samantalang pinaghahanap parin ngayon ang isa pa nilang
kasama.
Patuloy pang iniimbestigaha ng mga kapulisan ang nasabing
insidente.
No comments:
Post a Comment