ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Pasok ang libreng panunuod ng pelikula sa panukalang batas na isinusulong ngayon ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan para sa mga senior citizen.
Ayon kay SP member Jay Tejada, chairman ng committee on senior citizens, isinama umano niya ang nasabing probisyon dahil sa inaasahang pagbubukas ng mga sinehan sa probinsiya.
Isinusulong rin ang Php3,000 na financial assistance sa pamilyang naiwan ng yumaong senior citizen.
Ilan pa sa mga probisyon nito ang paglalaan ng mga maayos na upuan at lugar para sa mga matatanda sa mga transport area kagaya ng paliparan, terminal ng mga sasakyan at iba pa.
Sisiguraduhin din na nabibigyan sila ng tamang lugar at diskwento sa mga grocery at sa restaurant.
Kaugnay rito, sumasailalim na rin sa pagdinig ang planong pagtatayo ng Provincial Office of the Citizen’s Affairs (Posca) na pangangasiwaan sa ilalim ng tanggapan ng gobernador.
Layunin nito na matutukan ang mga pangangailangan mga senior citizens sa probinsisya at makagawa ng mga makabuluhang programa para sa kanilang kapakanan.
No comments:
Post a Comment