ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
photo (c) Aklan PPO |
Naka-full alert ngayon ang mga kapulisan sa probinsiya
kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Mindanao
gabi ng Mayo 23.
Sinabi ni PSSupt. Lope Manlapaz, acting provincial director
ng Aklan Provincial Police Office, sinisiguro ng mga kapulisan ang seguridad at
kaligtasan ng taumbayan.
Paalala ng opisyal, hindi dapat magulat ang publiko sa mga police
checkpoints sa mga strategic area at sa deployment ng mga sundalo sa iba-ibang
lugar.
Nabatid na nakikipagtulungan narin ang Muslim communities sa
Aklan at nakahandang magbigay ng anumang impormasyon sa mga awtoridad sakaling
may namataan silang “suspicious visitors” sa kanilang lugar.
Hinikayat rin ni Manlapaz ang taumbayan na i-report agad sa
mga kapulisan o militar ang anumang impormasyon kaugnay sa presensiya ng mga
teroristang grupo.
Pinaalalahanan rin niya ang publiko na maging responsable sa
pagpost ng mga impormasyon sa social media kaugnay rito nang sa gayun ay maiwasan
ang panic.
Idineklara ni Duterte ang Martial Law sa Mindanao matapos
atakehin ng teroristang Maute group ang Marawi city noong Mayo 23.
No comments:
Post a Comment