Para mapaigting pa ang pagpapatupad ng anti-smoking ordinance sa Kalibo, isang enforcers seminar and workshop ang muling isinagawa araw ng Martes.
Ayon kay Ramel Buncalan, chairman ng Kalibo Anti-Smoking Task Force (KAST), ang aktibidad ay dinaluhan ng 52 katao kabilang na ang ilang punong barangay.
Bahagi ng isang araw na seminar at workshop ang background patungkol sa epekto ng paninigarilyo, orientation ng ordinance 2016-008, at kung paano hulihin ang mga violators.
Umaasa si Buncalan na sa pamamagitan ng aktibidad na ito ay mapapatupad pa nila ng maigi ang ordenansa at makahikayat ng mga bagong itatalagang enforcers.
Sa ngayon ay mayroon lamang 15 deputized enforcer ang task force ayon pa sa chairman ng KAST.
Napag-alaman na mula ng ipatupad ang lokal na batas noong Mayo 7 umabot na sa 60 ang kanilang nabigyan ng ticket dahil sa mga paglabag.
Tinatakda sa ordinance no. 2016-004 ang pagbabawal sa paggamit, pagbenta, pagdi-distribute at pag-a-advertise ng sigarilyo at iba pang mga produktong tabako, maging ang electronic cigarettes, sa mga pampublikong lugar.
Ang mga lalabag sa batas na ito ay papatawan ng kaukulang penalidad na hindi tataas sa 2, 500 pesos at pagkakulong ng limang araw o pagpapasara sa establisyemento./ Darwin Tapayan, EFM Kalibo
No comments:
Post a Comment