Wednesday, May 30, 2018

DAHIL SA SELOS MISIS SA MAKATO NAGBIGTI

Pinaniniwalaang dahil sa selos kaya umano nagbigti ang isang misis sa bayan ng Makato umaga ng Miyerkules.

Laking gulat ng ilang anak na madatanan ang kanilang ina na nakabitin at wala nang malay sa loob ng kanilang bahay.

Dali-dali nilang inalis sa pagkakabigti ang biktima at isinugod sa ospital.

Maswerteng naagapan ang buhay ng biktima pero hindi naman ito makausap ng matino at may beses na nagwawala ito.

Nabatid na gabi bago ang insidente ay nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-asawa dahil sa pagseselos umano ng babae.

Itinaon ng biktima na nasa palayan ang asawa at nasa labas naman ang mga anak nito nang siya ay magbigti.
Patuloy na inoobserbahan sa provincial hospital ang biktima.

No comments:

Post a Comment