Thursday, May 31, 2018

EVACUATION AREA NG MGA APEKTADONG RESIDENTE SA BORACAY BINISITA NI SEC. CIMATU

photo (c) LGU Malay
Nag-inspeksyon si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu sa newly constructed Malay Evacuation Center sa Barangay Balusbos.

Kasama ni Sec. Cimatu si Malay Mayor Ceciron Cawaling sa pagbisita sa lugar.

Ang gusali ay magiging pansamantalang tirahan ng mga displaced settlers na iligal na tumitira sa mga protected wetland areas sa Isla ng Boracay.

Nanindigan si Cimatu na walang demolition kung walang relokasyon.

Ang pagtukoy ng evacuation area na ito ay kasunod ng pagpupulong ng mga alkalde at ng kalihim ng DENR nitong Mayo 25.

No comments:

Post a Comment