Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong isla ng Boracay sa ilalim ng land reform.
Ang deklarasyon ng pangulo ay mahigit isang buwan matapos ang pagpapasara nito sa isla dahil sa problema sa kalinisan.
Sa kanyang talumpati sa Bureau of Customs (BOC), sinabi ni Pangulong Duterte na dapat ng sagarin ang pagsasailalim sa Boracay sa land reform.
Pero para aniya mapanatili ang commercial quality ng lugar, iminungkahi nito sa Kongreso na magtakda ng kaukulang laki na pwedeng gawing commercial gaya ng tatlumpung metro.
Ayon pa sa pangulo, kung magtatayo ng bahay sa Boracay ay kailangan na mayroong adjustment./ Radyo INQUIRER
No comments:
Post a Comment