Thursday, May 31, 2018

SIMBAHANG KATOLIKO MAY BABALA SA MGA GUMAGAMIT NG ANTING-ANTING

Ito ang ilang mga anting-anting na kinumpiska ng Simbahang Katoliko sa Aklan na may impluwensiya umano ng demonyo.

Mapapansin na gumagamit ito ng mga imahe ng Katolikong pananampalataya pero mayroon umano itong sekreto.

Paliwanag ni Bro. Ramon Tarantan ng Diocesan Ministry of Exorcism, ito ay pamamaraan anya ng demonyo upang malinlang ang mga tao.

Ilan anya sa mga ito ay binibenta ng mga albularyo para gamitin pananggalang sa mga sakit o kaaway.

Anya, humihikayat ito ng masasamang espiritu at minsan ay sumasanib pa sa mga gumagamit nito.

Inihalimbawa ng exorcist ang anting-anting na narekober nila sa isang 18-anyos na babae na unang naiulat na sinaniban dito sa Kalibo.

Ang mga ganitong bagay anya ay ipinagbabawal ng Simbahan. Ang mga nakukumpiska nila ay dinadasalan, sinisira at sinusunog para maalis ang kapangyarihan nito.

Hinikayat niya ang tao na manampalataya sa Panginoon at magsimba para maiwasan ang mga masasamang espiritu. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment